EDR 211, 1st Semester, 2010-2011

‍Reading in the Content Areas

TMA No. 4 : A CAR Lesson Plan

FIC : Anne Tan Choi




Dionisio E. Bayeng, DLLE

Student No. 2007-81484



Content subject : Pilipinas : Kasaysayan at Pamahalaan

Year Level : Unang Taon Sekondarya

Paksang-Aralin : Pilipinas sa ilalim ng Batas Militar



Banghay-Aralin sa Araling Panlipunan 1 - Pilipinas : Kasaysayan at Pamahalaan



I. Mga Layunin



Pagkatapos ng aralin, ang mga mga mag-aaral ay inaasahang :



1. Maiisa-isa ang mga pangyayari na nagbigay-daan sa pagtatakda ng Batas Militar sa Pilipinas noong Setyembre 21, 1972 sa pamamagitan ng paggawa ng isang timeline.



2. Maisusulat sa isang maikling sanaysay ang kanilang saloobin ukol sa Batas Militar at mapaghahambing ang pagkakaiba ng buhay ng panahon ng Batas Militar at ng kasalukuyang panahon.



3. Makakaguhit ng isang cartoon, caricature o poster ukol sa Batas Militar at maipahayag ang kanilang damdamin ukol dito.



4. Mapahahalagahan ang mga naging mabuti at di-mabuting naidulot ng Batas Militar at ang mga naging epekto nito sa bansa.




BayengD Page of 1 of 10

"Who dares to teach, must never cease to learn." - John C. Dana




II. Paksa at Kagamitan



A. Paksang-Aralin : Pilipinas sa ilalim ng Batas Militar, pp. 158-165

B. Sanggunian : Pilipinas : Kasaysayan at Pamahalaan, Vivar et.al., SD Publications Inc, c. 2000

Kwento : 'Si Jhun-Jhun noong bago ideklara ang batas militar"

Manunulat : Augie Rivera

Ilustrador : Brian Vallesteros

Tagalimbag : Adarna House, 2001

URL ng Kwento : http://goo.gl/0pjIZ


  1. Mga Kagamitan : sangguniang aklat, kopya ng kwento - “Si Jhun-Jhun noong bago ideklara ang batas militar” ni Augie Rivera, mga larawan at //**audio file**// ukol sa Batas Militar



URL ng audio file

> //**http://greatsites4teachers.tumblr.com/post/3460506566/marcos-blabb#/**//




III. Pamamaraan



A. Panimulang Gawain



1. Pagbabalitaan

2. Balik-Aral : Dril ukol sa Ikatlong Republika



B. Panlinang na Gawain



B. 1 Bago Magbasa



Pagganyak

Magpaparinig ang guro ng isang //**audio file**//ukol sa deklarasyon ni Ferdinand Marcos ng Batas Militar noong 1972.



BayengD Page of 2 of 10

"Who dares to teach, must never cease to learn."- John C. Dana



Ipapasagot ng guro ang mga sumusunod na tanong : Ano ang inyong narinig ? Sino ang nagsasalita sa inyong narinig? Anoang BatasMilitar? Sino ang nagdeklara nito noong 1972? May kalayaan ba ang isang bansang nasa ilalim ng Batas Militar? Magpapakita din ang guro ng mga larawan ukol Batas Militar at itatambal ito ng mga mag-aaral sa mga salita na nakasulat sa papel.



Mga larawan Mga salita
- Ferdinand Marcos - Pangulo
-
Proclamation 1081- Batas Militar
- komunista - pula
- Mendiola - protesta


Mga Larawan ukol sa Batas Militar




http://i.imgur.com/wC0FX.jpg

//**http://trackstar.4teachers.org/trackstar/ts/viewTrack.do?number=422204**//




BayengD Page of 3 of 10

"Who dares to teach, must never cease to learn." - John C. Dana



B.2 Pagbasa (Chunking)



Guro : Sa araw na ito ay pag-uusapan natin ang panahon ng Batas Militar na idineklara ni Pangulong Marcos noong Setyembre 21, 1972. Ngunit bago natin talakayin ang ating paksa sa ating sanggunian-aklat basahin muna natin ang kuwentong - “Si Jhun-Jhun noong bago ideklara ang batas militar” - ni Augie Rivera. Alamin natin ang kuwento ni Jhun-Jhun at ng kanyang Kuya Jaime.

{ Buod ng kuwento : Ito ay ukol sa kuwento ni Jhun-Jhun at ng kanyang Kuya Jaime na sumali sa mga kilos-protesta ng mga manggagawa laban sa gobyerno nong bago ideklara ni Marcos ang Batas Militar noong Setyembre 21, 1972. URL ng kwento mula sa ICDL website >http://goo.gl/0pjIZ}



b.2.1 Pagbasa (Estratehiyang Chunking)

Kopya ng kuwento na may tanong sa bawat talata

http://embedit.in/TTITUqRJB3



b.2.2 Pagtalakay sa kuwento

a. Sinu-sino ang mga tauhan ng ating kuwento?

b.Ano ang isang bagay na ipinagtaka ni Jhun-Jhun sa kaniyang Kuya Jaime ?

c. Paano nagtapos ang kuwento ?



b.2.3 Pagtalakay sa sangguniang-aklat

a. Ano ang kalagayan ng bansa bago ideklara ang Batas Militar noong 1972?

b. Anong mga pangyayari ang naganap na naging dahilan upang ideklara ang Batas Militar ?

c. Isa-isahin ang mga pagbabago sa panahon ng Batas Militar







BayengD Page of 4 of 10

"Who dares to teach, must never cease to learn."- John C. Dana




B.3 Pagkatapos Magbasa



Guro : Ngayon naman ay gamitin natin ang ating 'Six Thinking Hats' upang mas lalong maunawaan ang ating paksang-aralin.

Pagkatapos basahin ang kuwento at sagguniang-aklat, ang klase ay hahatiin sa anim(6) pangkat at ang mga pangkat ay gagawin ang mga sumusunod :



Unang Pangkat/White Hat : Gumawa ng isang timeline nag nagpapakita ng mga mahahahalagang pangyayari bago at noong panahon ng Batas Militar.



Ika-2 Pangkat/Red Hat : Gumawa ng isang poster, collage, cartoon o caricature na nagpapakita ng inyong damdamin ukol sa Batas Militar



Ika-3 Pangkat/Black Hat : Pagpapakita ng isang 'press conference' ng oposisyon ng kumakalaban kay Marcos at nagpapahayag ng mga masamang dulot ng Batas Militar sa bansa.



Ika-4 Pangkat/Yellow Hat : Pagtatanghal ng isang 'mock interview' kay Pangulong Marcos uko; sa mga mabuting dulot ng Batas Militar.



Ika-5 Pangkat/Green Hat : Paggawa ng isang listahan ng mga suliranin ng bansa noong panahon ng bago ideklara ang Batas Militar at paggawa din ng isang 'action plan' upang malunasan ang mga nailistang suliranin.



Ika-6 Pangkat/Blue Hat : Paggawa ng isang buodukol sa paksang-aralin at pagsagot sa mga tanong : Isa-isahin ang mga mabuting at masamang naidulot ng panahon ng Batas Militar sa ating bansa. Ano-anu mga naging epekto ng Batas Militar sa mga Filipino at sa ating bansa sa kasalukuyan?








BayengD Page of 5 of 10

"Who dares to teach, must never cease to learn." - John C. Dana



C. Pangwakas na Gawain



Pagtalakay sa paksang-aralin at pagsagot sa mga tanong.



Paglalahat

Ang panahon ng Batas Militar ay isang mahalagang yugto ng kasaysayan na nakaapekto sa pamumuhay ng maraming Filipino.

Tanong : Anu-ano mga naging mabuting epekto ng Batas Militar sa ating bansa?



Pagpapahalaga

Mahalaga na malaman ang mga aral ng panahon ng Batas Militar upang hindi maulit ang mga masamang naidulot nito sa bansa.

Tanong : Isa-isahin ang mga masamang naidulot ng panahon ng Batas Militar na hindi dapat maulit muli sa ating bansa.



Paglalapat

Mga Tanong : Sang-ayon ba kayo sa isang makatarungan at makatwirang Batas Militar kung kinakailangan ito ng bansa? Sang-ayon ba kayo sa Batas Militar na idineklara ni Marcos noong 1972? Ano ang iyong pananaw ukol sa Batas Militar (Proclamation 1959) na ipinatupad sa Maguindanao matapos ang ‘Maguindanao Massacre’ noong Nobyembre 23, 2009? Ito ba ay makatuwiran? Bakit? Kung hindi, bakit?





IV. Pagtataya



Ikaw ay nagkaroon ng pagkakataon na makasakay sa isang ‘time machine’ at nakarating sa panahon ng Batas Militar. Pumili ng isang karakter sa ibaba at sumulat ng isang maikling sanaysay(100 salita) ukol sa iyong pananaw o saloobin ukol sa Batas Militar. Halimbawa, kung pinili mo na ikaw ay si Ferdinand Marcos, ikaw ay susulat ng isang sanaysay ukol sa iyong mga saloobin, opinyon at pananaw bilang pangulo ng Pilipinas na nagdeklara ng Batas Militar noong 1972. Paghambingin din ang pagkakaiba ng pamumuhay ng panahon ng Batas Militar at ng kasalukuyang panahon.


BayengD Page of 6 of 10

"Who dares to teach, must never cease to learn."- John C. Dana




Image source



a. reporter sa isang diyaryo

b. ina ni Jaime at Jhun-Jhun

c. Ferdinand Marcos

d. isang manggagawa

e. miyembro ng oposisyon ng kumakalaban kay Marcos




V. Takdang-Aralin



Gumawa ng isang panayam sa isang tao na nabuhay noong panahon ng Batas Militar at ipasagot ang mga tanong sa ibaba. Isulat ang mga sagot sa tanong sa iyong kuwaderno.



a. Ano ang inyong naging karanasan ukol sa Batas Militar ni Marcos noong 1972 ?

b. Sa inyong pananaw, anu-ano ang mg mga mabuti at di-mabuting naidulot ng Batas Militar sa ating bansa?

c. Maaari ninyo bang paghambingin ang pagkakaiba ng pamumuhay noong panahon ng Batas Militar at ng kasalukuyang panahon ?



Ang panayam ay maaaring : a) personal, b) email, c) telepono o d) online (//**wetoku.com**//). Kung personal ang panayam, kung maaari ay i-record ang inyong panayam gamit ang isang audio o video recorder at i-upload ito sa ating //**WallWisher Page**//. Ilimita ang panayam ng di lalagpas sa tatlong(3) minuto. Maaari ding magsagawa ng panayam sa pamamagitan ng email o telepono . Isulat ang maikling buod ng inyong panayam sa ating blog site sa KidBlog.org.


BayengD Page of 7 of 10

"Who dares to teach, must never cease to learn."- John C. Dana



Kung online naman ang inyong panayam ay maaaring gamitin ang //**wetoku.com**//. Libre ang serbisyo ng website na ito ; kailangan lang mag-sign-up para sa isang libreng account.

KidBlog page ng AP 1 MAKABAYAN Class
//http://kidblog.org/AP1KasaysayanngPilipinas///

WallWisher Page ng AP 1 MAKABAYAN Class
//http://www.wallwisher.com/wall/makabayanAP1//






Proclamation 1081 and Martial Law **http://countrystudies.us/philippines/28.htm** Retrieved on February 23, 2011

Marcos and the Road to Martial Law, 1965-72 //**http://countrystudies.us/philippines/27.htm**// Retrieved on February 23, 2011

A brief history of Philippine martial law //**http://feudart.com/2009/08/01/a-brief-history-of-philippine-martial-law/**// Retrieved on February 23, 2011

A History of Journalism in the Philippines : Period of Nationalism and the First Quarter Storm //**http://socyberty.com/history/a-history-of-journalism-in-the-philippines-period-of-nationalism-and-first-quarter-storm-7-of-11/**//Retrieved on February 23, 2011

A History of Journalism in the Philippines : Martial Law Days **http://socyberty.com/history/a-history-of-journalism-in-the-philippines-martial-law-days-8-of-11/**Retrieved on February 23, 2011

BayengD Page of 8 of 10

"Who dares to teach, must never cease to learn."- John C. Dana



THE PHILIPPINES: Marcos' Martial Law, Monday, Oct. 02, 1972 //**http://www.time.com/time/magazine/article/0,9171,906446-2,00.html**//Retrieved on February 23, 2011

The Roots of the Philippines' Economic Troubles //**http://www.heritage.org/research/reports/1984/05/the-roots-of-the-philippines-economic-troubles**// Retrieved on February 23, 2011


The Political Economy of the Philippines Under Marcos ; Property Rights in the Philippines from 1965-1986 by Kenji Kushida //**http://www.stanford.edu/group/sjeaa/journal3/geasia2.pdf**//Retrieved on February 23, 2011


LANGUAGE, SEDITION, AND CENSORSHIP : Personal Notes Towards an Essay by Eric Gamalinda **http://www.nyu.edu/gsas/dept/icas/Eric.pdf** Retrieved on February 23, 2011



MGA VIDEO UKOL SA BATAS MILITAR

{ Ang lahat ng links na narito sa ibaba ay makikita din sa Track #423078 //**http://goo.gl/elDfq**// }

BATAS MILITAR (1/11) Martial Law in the Philippines


//http://www.youtube.com/watch?v=l9qpHqzeF8c//

Retrieved on February 23, 2011

BATAS MILITAR (2/11) Martial Law in the Philippines


//http://www.youtube.com/watch?v=7Nac47nIz5Y&feature=related//Retrieved on February 23, 2011

BATAS MILITAR (3/11) Martial Law in the Philippines


//http://www.youtube.com/watch?v=B2znZ6stj74&feature=related//Retrieved on February 23, 2011

BATAS MILITAR (4/11) Martial Law in the Philippines


//http://www.youtube.com/watch?v=NYXraW_K2tg&feature=related//Retrieved on February 23, 2011



BayengD Page of 9 of 10

"Who dares to teach, must never cease to learn."- John C. Dana


BATAS MILITAR (5/11) Martial Law in the Philippines


//http://www.youtube.com/watch?v=NYXraW_K2tg&feature=related//

Retrieved on February 23, 2011

BATAS MILITAR (6/11) Martial Law in the Philippines


//http://www.youtube.com/watch?v=59zPM0v1ihA&feature=related//

Retrieved on February 23, 2011

BATAS MILITAR (7/11) Martial Law in the Philippines


//http://www.youtube.com/watch?v=UlzY7t0f460&feature=related//

Retrieved on February 23, 2011


BATAS MILITAR (8/11) Martial Law in the Philippines

//http://www.youtube.com/watch?v=-GN8OHufNwI&feature=related//
Retrieved on February 23, 2011

BATAS MILITAR (9/11) Martial Law in the Philippines


//http://www.youtube.com/watch?v=hX-jjS49esg&feature=related//

Retrieved on February 23, 2011

BATAS MILITAR (10/11) Martial Law in the Philippines


//http://www.youtube.com/watch?v=Bvfv3c3YRnI&feature=related//

Retrieved on February 23, 2011

BATAS MILITAR (11/11) Martial Law in the Philippines


//http://www.youtube.com/watch?v=4VsyDC9gTQE&feature=related//

Retrieved on February 23, 2011

Proclamation No. 1081 - Reflections on Batas Militar (Martial Law) //http://www.youtube.com/watch?v=feYaXDNadkA//Retrieved on February 23, 2011










BayengD Page of 10 of 10

"Who dares to teach, must never cease to learn."- John C. Dana